Sadyang kaybuti ng ating Panginoon
Magtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila man ng ating pagkukulang
Biyaya Niya’y patuloy na laan
Katulad ng pagsikat ng gintong araw
Patuloy siyang magbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko’t damdamin
Katapatan Niya’y aking pupurihin
Dakila ka O Dios tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo’y magunaw man maasahan Kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay
Kaya O Dios Ika’y aking pupurihin
Sa buong mundo’y aking aawitin
Dakila ang Iyong katapatan
Pag-ibig Mo’y walang hanggan
Dakila ka O Dios sa habang panahon
Katapatan Mo’y matibay na sandigan
Sa bawat pighati tagumpay man ay naroon
Daluyan ng pag-asa kung kailanga’y hinahon
Pag-ibig Mo’y alay sa amin
Noon hanggang ngayon
Dakila ka O Dios
No comments:
Post a Comment