Di ko kailangan ang katanyagan
Kung ikaw naman sa piling ko'y mawawalay
Mas nanaisin ko ang kapiling ka sa buhay
Kahit ako'y dukha na lang
O Hesus pakinggan mo ang pagsamo ko
Pag-ingatan mo ang landas kong patungo sa iyo
Ang aking buhay ay di ko matanto
Pag ingatan mo ako
Ang kahinaan ng aking buhay
Minsa'y di ko kayang paglabanan
Kaya't kailangang ako'y iyong gabayan
Sa aking paglalakbay
O hesus pakinggan mo ang pagsamo ko
Pag ingatan mo ang landas kong patungo sa iyo
Ang aking buhay ay di ko matanto
Pag-ingatan mo ako
Di ko kailangan ang karangyaan
Kung ikaw naman sa piling ko'y mawawalay
Mas nanaisin ko ang kapiling ka sa buhay
Kahit ako'y dukha na lang
No comments:
Post a Comment